David, may inamin sa isnaban nila ni Barbie

MANILA, Philippines — Pinag-usapan ang post ni Barbie Forteza na nakasuot pangkasal at handa nang lumakad papunta sa altar.
Ito ay kahit alam ng lahat na single siya at para ito sa project nila ni Sharon Cuneta.
“I’ve waited for this for so long. Nobody can ruin my big day,” sabi ni Barbie sa caption.
Pero kung si Barbie ay single, si David Licauco naman ay naghahanda na sa kanyang future kaya’t tuloy ang pagpupursigi niya sa trabaho.
Maraming nag-manifest noon na magkatotoo ang BarDa loveteam nina Barbie at David, pero hindi nangyari.
Sa ngayon nga ay aminado si David na naghahanda na siya sa kanyang future.
“I think I’m preparing lang for my future, ‘di ba? I think ever since naman open naman ako sa goal ko na for my future family to have a good life, ‘di ba? So siyempre, lahat nang aspeto ng buhay ko medyo planado naman na talaga, eh. Alam ko na gagawin ko this year, gagawin ko next year. Pero siyempre if may mga ibang opportunities, willing naman ako to adjust. Pero as of now, alam ko anong gagawin ko in the next five years, and adjust na lang accordingly,” sabi niya sa Bluewater Day Spa Summer Unwind launch last week.
At kahit busy sa rami ng trabaho at mga negosyo, sinabi rin ang aktor na may oras pa rin naman siya sa pakikipag-date. Pero mas gusto raw talaga niyang gawing pribado ang lovelife niya.
At nang hingan siya ng comment tungkol sa sightings sa kanila ng rumored non-showbiz GF niyang si Alex Manalang, hindi raw siya aware rito. “Ah, meron ba? Ah, talaga? Baka hindi ako ‘yon,” sagot niya na pag-iwas sa mga tanong.
Wala raw siyang masyadong maiku-comment dahil mas gusto nga niyang maging private ang usaping ito. “Always naman private, always naman ako private,” diin pa ng aktor/negosyante.
Idinepensa naman ni David ang isyung nag-iisnaban sila ni Barbie particular na raw sa opening ng franchise ni Alden Richards ng isang fast food chain. “Nagpansinan naman kami. I think ano lang, nahiya lang ako kasi late ako nu’n, eh,” dagdag niya.
Basta, happy raw siya sa kasalukuyan. “Happy ako sa lahat... na hindi na ‘ko masyadong nag-o-overthink. Mas relaxed ako sa life ko ngayon, stable. Yes, balanced, sa personal life and showbiz, pati sa business. Parang I’m not chasing anything. I know who I am,” katuwiran niya.
- Latest























