^

Metro

24 Genesis bus, sinuspinde ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa loob ng 30 araw ang operasyon ng 24 na yunit ng North Genesis Bus Line, Inc. matapos masangkot ang isa nitong bus sa aksidente sa Baguio City na ikinasawi ng dalawang pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, isinasagawa ang suspensyon upang bigyang-daan ang imbestigasyon at matukoy kung may paglabag ang kumpanya sa mga regulasyon ng ahensiya.

Nangyari ang aksidente noong Hunyo 16 sa Marcos Highway, Baguio City, nang bumangga ang bus sa isang nakaparadang trak. Dalawa ang nasawi habang anim ang nasugatan.

Iniutos din ng LTFRB ang drug testing sa lahat ng driver ng kumpanya at ang roadworthiness inspection ng lahat nitong bus units.

Pinamamadali rin ng ahensiya ang pagproseso ng insurance claims para sa mga biktima at kanilang mga pamilya, habang muling pinaalalahanan ang mga operator at driver na mahigpit na sundin ang mga patakaran sa kaligtasan sa kalsada.

LTFRB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with