^

Metro

‘Hazing’ sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili, lumalakas

Doris Franche-Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
‘Hazing’ sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili, lumalakas
Combination photo shows incoming rookie Rene Baterbonia and Nigerian student-athlete Divine Adili of the Ateneo Blue Eagles.
Rene Baterbonia via Facebook, UAAP

MANILA, Philippines — Mas lumalakas pa ang anggulo na ‘hazing’ sa pagkamatay ng dalawang student athletes ng Ateneo De Manila University (ADMU) na sina Rene Baterbonia at Divine Adili na nalunod sa team building sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief PGen, Jose Melencio Nartatez, Jr., sa patuloy na imbestigasyon  ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) may mga nakitang posibl­eng pagkukulang sa panig ng unibersidad kabilang ang paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act of 2018.

Nilinaw ni Nartatez na sa ilalim ng Anti-Hazing Act, hindi lamang pisikal na pananakit ang maituturing na hazing. Maaari rin itong tumukoy sa sapi­litang paglalagay sa isang tao sa mapanganib na sitwasyon o paglalantad sa matinding psychological pressure.

Sinabi naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na lumitaw din ang ‘inconsistencies’ sa mga testimonya ng mga player at coach na nasa team building.

“May mga inconsis­tencies sa mga salaysay ng mga players at coaches, pero hindi pa kami tapos kaya wala pa kaming maibibigay na komento,” ani Remulla.

“Magkaiba ang accounts ng players at coaches dahil magkaiba ang kanilang vantage points. Nasa dagat ang mga players habang nasa pampang ang mga coaches. ­Kinukumpleto pa namin ang mga ­detalye bago gumawa ng conclusive report,” dagdag pa ni Remulla.

Hindi bababa sa 48 katao ang pinadalhan ng subpoena ng CIDG kaugnay ng kaso.

Kahapon ay humarap sa CIDG si dating ­Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin, habang nakatakdang magbigay ng kanilang pahayag ang iba pang mga saksi at opisyal sa mga susunod na araw.

Ipinatawag naman ni Remulla si ADMU President Fr Roberto Yap, sa Hunyo 25 upang magbigay ng pahayag kaugnay nang naganap na pagkamatay ng dalawang Atenista.

ADMU

AURORA

DIVINE

RENE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with