^

Metro

QCPD inilunsad ‘Kabuhayan ni Misis’, PRIDE program

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Pagtatapos ng 2026 National Women’s Month

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagtatapos ng pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month Celebration kahapon, inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni PBGen. Randy Glenn Silvio ang  “Kabuhayan ni Misis” at PRIDE Program  na naglalayong maitaas ang pamumuhay ng mga babaeng pulis at personnel  kasabay ng kanilang trabaho.

Alas-9 ng umaga nang dumating ang Guest of Honor na si Quezon City Mayor Joy Belmonte at sini­mulan ang pagbibigay ng mga parangal sa mga natatanging babaeng pulis at babaeng personnel ng QCPD. 

Sinundan ito ng paglulunsad ng “Kabuhayan ni Misis” Program, na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya ng  mga babaeng pulis na magkaroon ng pagkakakitaan kahit nasa bahay lamang gayundin ang  QCPD PRIDE Program (Policewomen for Road Safety, Integrity, Discipline, and Enforcement), na pagkakataong ipakita ang kanilang galing at talento habang nagpapatupad ng peace and order sa lungsod.

Sa kanyang pahayag, kinilala ni Belmonte  ang kakayahan ng bawat “Aleng Pulis” upang mapanatili ang kaayusan  at tuluy tuloy na sebisyo sa lungsod.

“Proud ako na aktibo ang QCPD sa pakikibahagi sa ating pangako na kasama ang kababaihan sa pag-unlad. You have been strong allies in our work to address gender-based violence, with your personnel trained to handle VAWC cases. You have also been active advocates, with your regular gender sensiti­vity training and your efforts to bring information on women’s rights to our communities,” ani Belmonte.

Dagdag pa ni Belmonte, nakikita ang tunay na paglilingkod sa bawat biktima na nagkakaroon ng  lakas ng loob na harapin ang kanilang nararamdaman.

WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with