^

Metro

P8 milyong pekeng bags nakumpiska ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P8 milyong pekeng bags nakumpiska ng NBI
Sa ulat ng NBI-Intellectual Property Rights Division kay NBI Director Judge Jaime Santiago, Agosto 20, 28, at 29 nang isagawa ang mga pagsalakay sa mga tindahan gamit ang search warrants sa tatlong lugar.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — May kabuuang tinatayang P8-milyon na halaga ng mga pekeng produkto ng bag ang nasamsam sa isinagawang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ilang tindahan sa Pasay, Maynila at Bataan, sa magkakasunod na operasyon, iniulat nitong Sabado.

Sa ulat ng NBI-Intellectual Property Rights Division kay NBI Director Judge Jaime Santiago, Agosto 20, 28, at 29 nang isagawa ang mga pagsalakay sa mga tindahan gamit ang search warrants sa tatlong lugar.

Nag-ugat ito sa pormal na reklamong idinulog ng kinatawan ng Jansport trademark na mapigilan ang pagkalat sa merkado ng mga pekeng bag, at paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) kaugnay sa Section 170 ng RA  8293.

Nasamsam ang nasa 4,555 piraso ng assorted products na nagtataglay ng Jansport trademark na aabot sa halagang P8,144,950.00.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with