^

Metro

Babaeng biktima ng human trafficking dumating sa bansa

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Babaeng biktima ng human trafficking dumating sa bansa
Si alyas  “Sally”, 30, ay dumating sa bansa mula sa Kuala Lumpur sakay ng Malaysian Airlines flight, na aminadong umalis sa bansa sa pamamagitan ng backdoor noong Mayo 29 via Tawi-Tawi matapos siyang alukin ng trabaho bilang waitress sa Malaysia.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang isang babae na biktima ng human trafficking mula sa bansang Malaysia, matapos tulungan ng Philippine Embassy sa Malaysia.

Si alyas  “Sally”, 30, ay dumating sa bansa mula sa Kuala Lumpur sakay ng Malaysian Airlines flight, na aminadong umalis sa bansa sa pamamagitan ng backdoor noong Mayo 29 via Tawi-Tawi matapos siyang alukin ng trabaho bilang waitress sa Malaysia.

Umalis si alyas “Sally” kasama ang dalawa pang babae sa pamamagitan ng bangka patungo sa Kota Kinabalu at sinundo ng isang Chinese. Doon ay pinagtrabaho sila sa prostitusyon at kinum­piska ang mga travel documents.

Hindi nabigyan ng suweldo o food allowance ang biktima, at sinabi ng kanyang amo na may utang siya sa kanila ng P200,000 para sa gastos sa kanyang recruitment.

“Ito ay isang malinaw na kaso ng pagkaalipin sa utang, kung saan ang biktima ay nakatali sa kanilang trafficker dahil sa mga gawa-gawa o gawa-gawang utang,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.

HUMAN TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with