UST muling binulabog ng bomb threat

MANILA, Philippines — Muling nakatanggap ng online bomb threat ang University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila kahapon, na nagbunsod ng inspeksiyon at imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa Manila Police District (MPD), unang natanggap ng Physical Therapist Society dakong alas-6 ng umaga ang mensahe mula sa Facebook account na “TIGER TTIGER,” na nagbanta ng pagpapasabog sa Medicine main building at St. Raymund Building, gayundin ng posibleng pamamaril. Nakatanggap din ng kaparehong mensahe ang Central Student Council at Central Commission on Elections bago ma-deactivate ang account.
Rumesponde ang MPD Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (EOD/K9) upang inspeksiyunin ang mga lugar na tinukoy sa banta. Iniimbestigahan din ng Manila District Anti-Cybercrime Team ang insidente upang matukoy ang nasa likod nito.
- Latest


















