66 kinalawit sa ‘Oplan Galugad’,
MANILA, Philippines — ‘Bulabog’ ng QCPD Sinuyod ng Quezon City Police District (QCPD) dalawang lugar sa Novaliches kung saan nasa 66 pasaway ang kanilang binitbit sa patuloy na implementasyon ng Oplan Galugad at Bulabog.
Sa report na isinumite kay QCPD Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, PCol. Randy Glenn Silvio, isinagawa ang police operation sa Brgy. Gulod at Nitang Avenue, Novaliches, nitong Sabado.
Ang 66 na indibidwal na dinakip sa bisa ng arrest warrant ay sangkot sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), paglabag sa P.D. 1602 (Illegal Gambling), paglabag sa R.A. 10883 (Bagong Anti-Carnapping Act of 2016), traffic violations, curfew hours, at nakahubad sa publiko.
Bukod dito, na-impound ng mga awtoridad ang siyam na motorsiklo at narekober ang isang nakaw na motorsiklo. Lahat ng lumabag sa ordinansa ng lungsod ay inisyuhan sa lugar ng mga Ordinance Violation Receipts (OVRs).
- Latest




















