^

Metro

Poll chief: E-registration pinag-aaralan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Commission on Elections (­Comelec) Chairman George ­Erwin Garcia na pinag-aaralan nilang magsagawa ng online registration o ­e-registration sa susunod na voter registration na plano nilang idaos sa Oktubre 2025, sakaling tuluyan nang maisabatas ang panukalang ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa susunod na taon.

Sa isang media interview, sinabi ni ­Garcia na dati naman nang iminamandato ang online registration at plano aniya nilang ipatupad at palakasin ang implementasyon nito.

Sa ilalim ng e-registration system, ang mga aplikante ay magsusu­mite ng forms online.

Matapos ito ay bibigyan sila ng petsa kung kailan sila magtutungo sa lokal na tanggapan ng Comelec para magpakuha ng biometrics.

Kaugnay nito, iniulat din ni Garcia na naging mapayapa sa pangkalahatan ang katatapos na 10-araw na voter registration na isinagawa nila kamakailan. 

Ito na aniya ang itinuturing na pinakamatagumpay na voter registration sa kasaysayan matapos na makapagtala ng halos 2.8 milyong registrants sa napakaikling panahon lamang.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with