Grade 11 nag-seizure sa iskul, patay!

MANILA, Philippines — Patay ang isang Grade 11 student ng Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC) matapos na mag-collapse at mag-seizure nitong Sabado ng umaga habang naglalaro ng basketball na bahagi ng kanilang Senior High School Mini Olympics sa Marikina City.
Ayon sa paaralan alas-9:27 ng umaga ng Sabado nang mangyari ang pagko-collapsed ng biktima sa court. Wala ng buhay ang biktima nang dumating ang mga medical reponders bandang alas-11:06 ng tanghali.
Subalit kinondena naman ng Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) ang kapabayaan ng administrasyon ng OLOPSC sa kabiguang maisalba ang buhay ng biktima dahil sa kawalan diumano ng medical professional na nakaantabay.
“This is not just incompetence; this is negligence that cost a young person’s life. A school of such stature should be able to afford qualified medical professionals on standby, especially during could-be high-risk events like intramurals. Their failure to do so, along with their alleged efforts to suppress discussions and erase evidence, speaks volumes about their priorities-protecting their image over ensuring the safety and well-being of their students,” pahayag ng SCAP.
Sa pahayag ng SCAP, sa halip na tanggapin ang full accountability, sinubukan ng administrasyong OLOPSC na maliitin ang insidente bilang “unforeseen and isolated,” sa kabila ng lapses umano na makatugon sa medical emergency, kawalan ng proper emergency protocol, at kawalan ng immediate medical personnel na nagwawalang-bahala sa mga mag-aaral.
Iginiit ng SCAP na hindi isang aksidente dahil maari umanong napigilan kung gumawa ng proactive na hakbang para mailigtas ang mag-aaral.
- Latest















