^

Metro

Law firm na magtatanggol sa pulis hanap ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghahanap na ang Philippine National Police (PNP) ng mahusay na law firm na magtatanggol sa mga pulis na may kinasuhan dahil sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Ayon kay PNP chief PGen. Rommel Francisco Marbil, kailangan na may magaling at mahusay na law firm na hahawak sa kaso ng mga pulis at hindi maliligwak.

Sinabi ni Marbil na maraming pulis ang nahaharap sa iba’t ibang kaso bunsod sa pagsasampa ng mga counter charges na resulta ng kanilang mga police operations partikular sa malalaki at maimpluwensiyang tao.

Maraming pulis ang hindi kayang magbayad ng abogado kung kaya’t PNP na ang maglalaan ng legal counsel para sa kanila.

Aniya, may financial institution na nag-alok ng tulong pinansyal sa halagang P10,000 para sa bawat pulis na masasampahan ng “counter charge”, pero mas maganda aniya kung mayroong law firm na maaaring takbuhan ng mga nakakasuhang pulis.

Ayon sa PNP chief, bagama’t may PNP Legal Service na tumutulong sa mga pulis na nakakasuhan, nahihirapan ang mga ito na tapatan ang mga de-kampanilyang abogado ng mga makapangyarihang kriminal.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with