^

Metro

‘Station of the Cross’ sa TLC binuksan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na kailangang lumayo pa ang mga residente ng Taguig City kung nais na makapagnilay-nilay ngayong Semana Santa dahil binuksan ni Mayor Lani Cayetano ang “Life of Christ” sa TLC Village bilang Lentern Park.

Ang paglalakad sa 14 Stations of the Cross na mga panel na bawat isa ay may Bible verse na naglalarawan ng dinanas na paghihirap ni Hesus, may Prayer Corner kung saan maaaring magsulat ng mga petisyon, magsindi ng kandila, at mag-iwan ng prayer request sa itinalagang box.

May itinayong pulang krus sa gitna ng TLC Square kung saan maaari ring magsulat sa itim na papel para sa “post-its” ng mga masamang gawi na hindi na babalikan.

May choir na aawit at may film showing din ng buhay ni Hesus.

Noong Lunes, Marso 25 pa binuksan ang nasabing Lenten Park na nagsimula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi, habang 7:30 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi naman mula Marso 26 hanggang Marso 30.

vuukle comment

TAGUIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with