^

Metro

BI nagbabala vs pekeng ‘eTravel’ websites na naniningil ng bayad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko, lalo na sa mga manlalakbay ngayong long weekend at paggunita sa Semana Santa na magparehistro sa opisyal na eTravel upang hindi mabiktima ng online scam.

“We advise the traveling public to be cautious and register exclusively on the official government website, or through the eGovPH application. The eTravel registration process is absolutely free of charge,” ani BI Commissioner Norman Tansingco.

Nilinaw niya na may mga scammers na nagpapatakbo ng mga pekeng website at naniningil ng bayad para sa pagpaparehistro.

Binigyang-diin ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang pagpaparehistro sa eTravel platform ay ganap na walang bayad. Hinikayat niya ang mga manlalakbay na magparehistro lamang sa pamamagitan ng opisyal na website ng gobyerno sa https://etravel.gov.ph upang maiwasang mahulog sa mga mapanlinlang na pamamaraan.

Hinimok niya rin ang mga nabiktima ng ng mga mapanlinlang na website o entity na humihingi ng online na pagbabayad na iulat agad sila sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa pamamagitan ng kanilang hotline sa 1326.

Ang babala ay bilang tugon sa mga ulat ng mga pasahero na niloloko ng mga pekeng website ng eTravel, na sinisingil umano sa pagitan ng P3,000 hanggang P5,000 sa mga dapat bayaran.

Inilunsad noong mas maaga sa taong ito, ang eTravel ay nagsisilbing isang single data collection platform para sa “arriving at departing passengers, integrating border control, health surveillance, and economic data analysis.”

Samantala, iniulat ng BI ang deployment ng mga eTravel kiosk sa mga pangunahing international airports, na inilagay ng airport authorities at DICT.

“We are thankful to our partners in go­vernment for providing these kiosks for use of the traveling public,” ani Tansingco.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with