P10.2 bilyong ilegal na droga nasabat noong 2022 ng BOC

Sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF) na nakakasakop sa BOC, kasunod ng iligal na droga ang mga pekeng produkto sa halagang P2.45 bilyon, mga smuggled agricultural products na nasa P1.9 bilyon at sigarilyo sa halagang P458 mil­yon.
Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Iligal na droga na tinangkang ipasok sa Pilipinas ang pinakamalaking kontrabando na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa halagang P10.2 bil­yon sa huling anim na buwan ng nakaraang 2022.

Sa datos na inilabas ng Department of Finance (DOF) na nakakasakop sa BOC, kasunod ng iligal na droga ang mga pekeng produkto sa halagang P2.45 bilyon, mga smuggled agricultural products na nasa P1.9 bilyon at sigarilyo sa halagang P458 mil­yon.

Nasa kabuuang P15.65 bilyon ang mga smuggled goods na nasabat ng BOC mula Hulyo hanggang Dis­yembre 2022.

Napalakas naman umano ang “trade facilitation” ng BOC sa pagpapatupad ng National Single Window (NSW) system na nagpabilis sa pagproseso sa dokumentasyon ng importasyon at export at maging sa transparency ng mga transaksyon.

Naglabas naman umano ang BOC ng mga “show-cause orders” sa 24 na empleyado ng BOC habang nasa 175 ang naisailalim sa imbestigasyon at lima ang tuluyang nasampahan ng kasong admi­nistratibo.

Una nang sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na tutulong sa kanila ang Department of Justice (DOJ) sa “build-up” ng mga kasong ihahain sa mga smugglers para hindi basta-basta maabswelto ang mga ito.

Show comments