^

Metro

47-anyos arestado sa sextortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang 47-anyos na lalaki dahil sa sextortion sa kanyang dating nobya sa Caloocan City.

Nakilala ang nadakip na si  Freddie de Gracia.

Natunton siya ng mga tauhan ng Anti-Cybercrime Group sa loob ng isang motel na nasa panulukan ng  Samson Road at General Pio Valenzuela St. sa Brgy. 78.

Ayon kay ACG spokesperson Capt. Michelle Sabino dinakip ang suspect base sa reklamo ng kanyang 27-anyos na dating ­nobya.

Ayon sa biktima tinatakot umano siya ni De Gracia na ipapakalat ang kanyang nude photos at sex videos kung hindi siya makikipagkita dito.

Dahil dito’y inihanda ang entrapment laban sa suspect sa loob ng motel kung saan magkikita ang dalawa.

Inihahanda na ang kasong grave coercion at paglabag sa Republic Act 9262, o Violence Against Women and Children Act sa ilalim ng Republic Act 1075, na mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

ACG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with