^

Metro

Jeepney driver binaunan ng bala sa ulo ng tandem, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang jeepney driver ang patay nang malapitang barilin sa ulo ng ‘riding-in-tandem’ sa Novaliches, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Jessie Medina Rivera Jr., 40, residente ng 4 San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches, habang nakatakas ang dalawang suspek na hindi nakilala dahil sa suot na face mask at sporty cap.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-4:50 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa kahabaan ng Quirino Highway kanto ng Villareal St., Brgy. Gulod.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni Pat. Nestor V Ariz, Jr., na nagpaparada na ng sasakyan ang isang testigong si alyas Feliciano, nang makarinig siya ng putok ng baril.

Nang alamin ang pinagmulan nito ay dito na niya nakita ang biktima na duguan nang nakabulagta sa lugar at may tama ng bala sa ulo.

Nakita rin umano niya ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka, at mabilis na tumatakas, bitbit ang ‘di batid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay.

Masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para sa agarang ikareresolba nito.

vuukle comment

JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with