Lugar na naka-lockdown sa Quezon City, nabawasan na
MANILA, Philippines — Nabawasan na ang mga lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown sa Quezon City, gayundin nararamdaman na ang unti-unting pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan.
Ayon sa City Health Department, nasa 36 na lugar na lamang ang naka-lockdown mula sa dating 40 noong nakaraang linggo.
Mga komunidad at kalye na lamang ngayon ang naka-lockdown hindi tulad dati.
Sa kabila ng pagbaba ng mga naka-lockdown, tuluy-tuloy pa rin ang gagawing pamamahagi ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan.
Nagsagawa na rin ng QC health Department ng swab testing sa lahat ng mga residente na apektado ng lockdown at kailangang sumailalim sa 14 days quarantine habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test ng mga ito.
Aminado ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na nakatulong ng malaki ang dalawang linggong ECQ noong nakaraang buwan at ang patuloy na umiiral na MECQ.
- Latest