^

Metro

Business permit ng NLEX sinuspinde ni Gatchalian

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Business permit ng NLEX sinuspinde ni Gatchalian
Si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian matapos i-serve ang suspension order ng business permit ng NLEX kahapon.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines — Binawi ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX) matapos mabigo ang kompanya na maisu-mite ang kanilang maayos na action plan patungkol sa radio frequency  identification (RFID) toll collection system.

Alas-5:15 nang personal na i-serve ni Gatchalian ang suspension notice sa NLEX Mindanao Avenue tollgate sa Brgy. Ugong matapos ang ibinigay na deadline ng pamahalaang lungsod  para makapagsumite ang kompanya ng kanilang action plan.

Bigo namang makaharap ng mayor ang manager ng kompanya.

Ayon kay Gatchalian, hindi makatarungan na nagbabayad ang mga commuters ng tollgate subalit palpak naman ang serbisyo na  humahantong sa  mala-parking lot na trapik sa lugar.

Personal na  sinaksihan ni Gatchalian ang pabubukas ng lahat ng barriers ng tollgate  kung saan tuluy-tuloy  ang daan ng mga  motorista. Pinatay na rin ang lahat ng sensor ng  tollgate.

Nasa kamay ng NLEX ang pagbubukas ng mga tollgate dahil kailangan nilang ayusin ang kanilang  serbisyo bago muling ibalik ang kanilang business permit.

Giit ni Gatchalian kailangan na mabigyan ng   maayos na serbisyo ang  publiko dahil nadadagdag  ito sa kasalukuyang  deve-lopment ng mga kalsada at mga skyways.

Hindi naitago ang galit ni Gatchalian sa sulat ng NLEX na sa halip na solusyon ay pagpapatupad ng 100% cashless transaction  ang  iminungkahi nito.

 

vuukle comment

REX GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with