^

Metro

Riot sumiklab uli sa Bilibid

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Riot sumiklab uli sa Bilibid
Nang pumasok ang BuCor security force, Special Wea­pons and Tactics (SWAT) ay sinalubong umano sila ng mga putok na nagmula sa grupo ng inmates kaya tumawag pa ng alalay ang BuCor na nirespondehan naman ng Philippine National Police-Special Action Foce (PNP-SAF), National Capital Region Police Office (NCRPO).
Bureau of Corrections/Facebook page released

3 patay, 64 sugatan

MANILA, Philippines — Sumiklab uli ang riot sa East Quadrant ng New Bilibid Prison (NBP) na nauwi sa pagkamatay ng tatlong preso habang 64 pa ang nasugatan  at anim dito ang nasa malubhang kalagayan kahapon ng umaga.

Eksaktong isang  buwan na ang nakalipas nang maganap din ang riot sa mismong quadrant ng Maximum Security Compound noong Oktubre 9, 2020 kung saan siyam ang nasawi at pito pa ang sugatan na pawang mga miyembro ng nagbanggaang grupo ng ‘Sputnik’ at ‘Commando’ gangs.

 Sa inisyal na ulat mula kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag , bago mag-alas 8:00 ng umaga nang magsimula ang kaguluhan sa East Quadrant, na nag-ugat sa pana­naksak sa isang miyembro ng ‘Commando ‘ gang  ng miyembro ng ‘Sputnik’  at nagkaroon na ng gantihan.

Nang pumasok ang BuCor security force, Special Wea­pons and Tactics (SWAT) ay sinalubong umano sila ng mga putok na nagmula sa grupo ng inmates kaya tumawag pa ng alalay ang BuCor na nirespondehan naman ng Philippine National Police-Special Action Foce (PNP-SAF), National Capital Region Police Office (NCRPO).

Bukod sa putukan ay umulan pa ng pana sa riot kaya nahirapan pasukin ito ng mga awtoridad.

Alas 10:00 na ng umaga nang mapahupa ang gulo at agad nagsagawa ng clearing operations ang BuCor personnel, NCRPO at Bureau of Fire Protection (BFP)  kung saan nakita ang tatlong patay.

Dinala sa NBP hospital ang mga sugatan at ang  anim na nasa malubhang kalagayan ay inilipat sa Ospital ng Muntinlupa.

Nabatid na may anim na buwan nang walang dalaw ang inmates dahil sa pan­demya na posibleng nagpalala sa init ng ulo ng mga ito.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

Hindi naman kumalat sa iba pang quadrant ang kaguluhan.

Inilagay na sa red alert ang lahat ng penal colonies kaugnay sa insidente.

Samantala, inatasan naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation sa madugong riot.              

Aalamin din ang ulat hinggil sa pagkakaroon ng baril ng inmates sa naturang piitan.

 

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with