^

Metro

SMC, naglibre ng toll fee

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglibre ng toll fee ang pamunuan ng San Miguel Corporation (SMC)  sa lahat ng tollways na kanilang pinangangasiwaan ngayong Bagong Taon.

Ayon sa  SMC Tollways, sinimulan ang pagpapatupad ng libreng toll fee ng alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 31, o dalawang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Magtatagal naman ito hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 1, 2020.

Kabilang sa mga lugar na nagpatupad ng libreng toll fee ay ang Skyway, NAIAX, SLEX, STAR Toll at TPLEX.

Nabatid na una na rin namang nagpatupad ng libreng toll sa lahat ng kanilang tollways ang SMC mula Disyembre 24, o bisperas ng Pasko, hanggang umaga ng araw ng Pasko, Disyembre 25.

Bunsod nito ay nagpapasalamat naman ang mga motorista na dumaraan sa nasabing mga tollways.

TOLL FEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with