^

Metro

2 ‘jumper boys’ sa Tondo, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ng mga awtoridad dalawang lalaking kabilang sa ‘jumper boys’ na nakita sa isang video sa social media na tumangay ng pintuan ng truck , nang mamataan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, nakapiit na ang mga suspek na kinilalang sina Rowell Acayde,  21, residente ng Caring St , Tondo at isang hindi pinangalanang 13 -anyos .

Dakong alas- 8:00 ng umaga nang maaresto ang dalawa sa R-10 malapit sa panulukan ng Herbosa St., Tondo ng grupo nina P/Captain ERickson Evangelista.

Sinabi ni P/Lt. Colonel Christoper Navida, hepe ng MPD-Station 1, naalarma sila sa nag-viral na video footage ng mga suspek dahil nasasakupan nila ang lugar kaya nang makakuha ng impormasyon na  muling gumagala sa nasabing lugar ang mga suspect ay tinungo at nasakote habang naghihintay na naman ng kanilang panibagong bibiktimahin.

Kilala na rin aniya, ng kanyang mga tauhan ang naares­tong si Acayde dahil pang 13 kaso na itong kahaharapin kaugnay sa  pagnanakaw.

Nakatakda namang ilagak sa Manila Department of Social Welfare ang menor-de-edad habang isasailalim sa inquest proceedings si Acayde sa kasong theft.

 

vuukle comment

JUMPER BOYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with