^

Metro

Driver tumalon sa NLEX flyover, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang driver makaraang tumalon sa flyover ng North Luzon Expressway na sakop ng Barangay Unang Sigaw, Quezon City, kamakalawa ng gabi. 

Ang biktima ay nakilalang si Gilbert Laguisma Alcaparaz, residente ng Sitio Ruhat Mabugan City,  Antipolo Rizal. 

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD), ang insidente ay naganap pasado alas-6:00 ng gabi sa Camachile NLEX flyover northbound sa Brgy.  Unang Sigaw Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang insidente ay nakita nilang tulala, palakad-lakad at tila wala sa sarili ang biktima.

Nagulat na lamang sila nang ito ay sumampa sa flyover at biglang tumalon at bumagsak sa konkretong kalsada.

Habang nangingisay ay nasagasaan pa ito nang paparating naman na Five Star Bus (AWA-715) kaya nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima.

Lumikha rin ng masikip na daloy ng trapiko sa mga motorista ang naganap na insidente.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with