^

Metro

Dalaga nilooban na, ginahasa pa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dobleng pasakit ang dinanas ng isang 26-anyos na dalaga makaraang pagnakawan at gahasain pa ng isa sa dalawang miyembro ng ‘Akyat-Bahay Gang’ na nanloob sa kanilang bahay sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Itinago ang pagkakakilanlan sa biktima sa alyas na Rose ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, pasado alas-3 ng mada­ling araw nang pasukin ng dalawang lalaking magnanakaw ang bahay ng biktima kung saan nasa kahimbingan sila ng tulog ng kanyang ina.

Nilimas ng mga suspek ang mga mahahalagang gamit, gadgets at pera ng mga biktima at paalis na sana ang isa sa mga suspek ang kumaladkad sa dalagang biktima at saka ginahasa ito sa kabila ng pagmamakaawa.

Makaraang makaalis ang mga suspek, agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay at sa mga opisyal ng kanilang barangay ang ina ngunit tuluyang nakatakas na ang mga salarin.

Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ng pulisya upang matukoy at madakip ang mga suspek habang isinasailalim sa counselling ang biktimang ginahasa.

vuukle comment

DALAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with