^

Metro

Mangingisda nilapa ng 16-talampakang buwaya sa Palawan

Philstar.com
Mangingisda nilapa ng 16-talampakang buwaya sa Palawan
Noong Agosto, isang 10-anyos din ang napatay sa parehong bayan. Setyembre noong nakaraang buwan, buwaya rin ang ikinamatay ng 15-anyos na binatilyo sa Balabac, Palawan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki sa lalawigan ng Palawan matapos sakmalin ng isang buwaya mula sa kanyang bangka, pagkukumpirma ng mga otoridad ngayong Huwebes.

Sa panayam ng AFP, sinabi ni MIMAROPA regional police spokesperson Socrates Faltado na pabalik na sana ang 20-anyos na biktima, pati ang kanyang kasama, sa isla ng Balabac gabi ng Martes matapos ang isang araw ng pangingisda nang kunin ng mapanganib ng hayop.

Sinasabing 4.9 metro, o 16 talampakan, ang haba ng buwaya.

Kinabukasan, nakita na lang daw ang bangkay ng lalaki sa panga ng buwaya. Ginamitan ito ng dinamita hanggang sa tuluyang mapuksa.

Sunod-sunod ang serye pagpaslang ng mag buwaya sa Balabac, Palawan ngayong 2019.

Noong Agosto, isang 10-anyos na bata ang tinangay ng isang saltwater crocodile sa baranggay Salang, kasabay ng papaliit na habitat ng mga nabanggit na reptile.

Bagama't bigo ang kanyang amang makita ang bata, natagpuan ng isang mangingisda ang kanyang labi sa isang bakawan.

Noong Setyembre naman, isang 15-anyos na binatilyong nagngangalang Romilo Miranda naman ang sinalakay ng buwaya sa baranggay Indalawan, bandang alas-nuebe ng umaga.

Tinangka pa ng tiyuhin ni Miranda na tulungan ang biktima ngunit sadyang natakot na raw silang lumapit dito.

Noong 2018, dalawang tao rin ang napatay sa Balabac.

"Kailangan nating tugunan ang ugat ng insidente, na sa bahagi ay habitat destruction. Halos wala nang mapagtaguan ang mga crocodile, at kulang na ang pagkain sa kanilang tirahan," ani Jovic Fabello, tagapagsalita ng government council na nagtratrabaho para sa pagsasagip ng kalikasan.

"Simula noong 2015, hindi na tayo nagkaroon ng taon na walang napatay [ng buwaya]," dagdag ni Fabello dalawang buwan na ang nakalilipas. — James Relativo at may mga ulat mula sa Agence France-Presse

vuukle comment

BALABAC

CROCODILE ATTACK

PALAWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with