^

Metro

Rider nirapido ng kapwa rider, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Rider nirapido ng kapwa rider, dedo
Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa kanto ng Marlboro St., East Fairview Subdivision, sa Brgy. Greater Fairview.
File

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang pinagbabaril ng kapwa rider habang bumabagtas sa Commonwealth Ave., sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nasawi noon din dahil sa tatlong tama ng bala sa ulo ang biktimang si Domingo Cablao, 42, ng 89 Kasunduan St., Brgy Commonwealth, Quezon City habang nakatakas naman ang ‘di nakilalang salarin, na sakay ng isang puting motorsiklo, at inilarawang nakasuot ng crash helmet.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa kanto ng Marlboro St., East Fairview Subdivision, sa Brgy. Greater Fairview.

Sakay ang biktima ng kanyang pulang Yamaha Sniper (6101 PS) at bumabagtas sa northbound lane ng Commonwealth Ave., nang pagsapit sa kanto ng Marlboro St. ay bigla na lang itong tinabihan ng suspek na sakay din ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril sa ulo ng tatlong beses.

Nang matiyak na patay na ang target ay agad namang tumakas ang suspek.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga otoridad ang krimen upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, gayundin ang motibo nito sa pamamaslang.

vuukle comment

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with