^

Metro

2 miyembro ng BCJ, niratrat ng maskarado utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang da­lawang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) habang ang isa pa ay malubhang nasugatan nang pagbabarilin sa kanilang barung-barong sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasa­wing sina Herwin Tribidino, 19, ng Baseco Compound, Port Area, Manila; at Allan Bautista, alyas Buboy, 19, ng Temporary Housing, Aroma Compound, Tondo.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, (GABMMC)  ang 18 na si  Reynaldo Delposo, ng Block 11, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area dahil sa tama ng bala sa likod.

Sa ulat ni P/Master Sergeant  Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District-Ho­micide Section, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa isang barung -barong sa Bldg.15 Temporary Housing, sa Aroma Compound.

Sa imbestigasyon, natutulog ang mga biktima nang may kumatok kung saan nagising si Bautista na siyang nagbukas ng pinto pero agad siyang pinaputukan ng suspect na nakamaskara. Tinadtad din ng bala si Tribidino.

Matapos matiyak na patay na ang target ay mabilis na tumakas ang salarin.

Isang lalaki rin na  sinasabing look-out sa labas ng barung-barong ang naglaho rin matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso para alamin ang motibo sa krimen at kung sino ang posibleng may gawa.

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with