E-trikes, ibabawal sa Maynila

MANILA, Philippines — Ipagbabawal na ang electronic tricycles sa Maynila.
Ito ang nais ni Manila Mayor Isko Moreno matapos na lumitaw sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isa itong ‘laruan’.
Sa kanyang pagdalo sa unang Metro Manila Council meeting, sinabi ni Moreno na dapat na magkaisa ang lahat ng alkalde at magkaroon ng ordinansa na ipagbawal ang e-trikes sa public roads.
“Bakit ‘di na lang tayo magkasundo ngayon, tayong lahat nandito, na magpasa tayo ng ordinansa na ipagbawal ang e-trikes (3 gulong) sa public roads” ani Moreno.
Nakakapagtaka rin na isinusulong ng Department of Transportation ang paggamit ng electronic tricycles, samantang wala pang linaw ang klasipikasyon nito sa mga sasakyan.
Sakaling ideklara itong ‘laruan’ ng Land Transportation and Regulatory Board, hindi ito dapat ibenta.
Ang sentimiyento ni Moreno ay pinaboran ng mga alkaldeng sina Toby Tiangco ng Navotas, Lenlen Oreta ng Malabon, at Caloocan Vice Mayor Macario Asistio.
Una na ring sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na hindi pwede sa public roads ang E-trike dahil sa bagal ng takbo nito. Pwede lamang ang mga ito sa subdivision.
Lumilitaw na nasa 280 ang e- trikes na bumibiyahe ngayon sa Maynila.
- Latest
















