^

Metro

TNVS, nagbanta ng welga sa Lunes

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
TNVS, nagbanta ng welga sa Lunes
Sa press confe­rence kahapon sa QC, sinabi ng TNVS Community at Defend Job Philippines na layon ng pagkilos na kondenahin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kumplikado at mabagal na proseso ng ahensya sa pagkakaloob ng provisional authority at certificate of public convenience.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagbanta ng 12-hour transport holiday ang iba’t ibang samahan ng transport network vehicle services (TNVS) sa darating na Lunes.

Sa press confe­rence kahapon sa QC, sinabi ng TNVS Community at Defend Job Philippines na layon ng pagkilos na kondenahin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa  kumplikado at mabagal na proseso ng ahensya sa pagkakaloob ng provisional authority at certificate of public convenience.

Dahil sa mabagal anilang pagkilos ng LTFRB, maraming mga TNVS drivers ang halos hindi na makapagha­napbuhay kaya apektado ang pagkukunan ng gastusin ng kanilang pamilya partikular na ng pagkain at baon ng mga anak sa pag- aaral.

Sa transport holiday, pansamantalang ititigil ng mga TNVS drivers ang kanilang operasyon at magi­ging offline ang mga ito mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi.

Sobrang pahirap anila ang mga polisiya ng LTFRB  kabilang ang umanoy “inconsis­tencies” sa pagproseso ng mga registration at application para sa TNVS.

Nanawagan naman ang ride-hailing firm Grab  sa TNVS partner drivers na huwag ituloy ang plano dahil maraming maaapektuhan sa pagdami ng mga  bookings.

Ayon sa Grab  public affairs mana­ger ­Nicka Hosaka na maaari namang mapag-usapan ang senti­miento ng mga TNVS drivers at upuan sa isang public dialogue.

Una nang nagsagawa ng pag-­deactivate ang Grab sa may 5,000 TNVS drivers dahil sa kawalan ng mga ito ng provisional authority, na isang requirement ng LTFRB sa pagpasada ng sasakyan.

vuukle comment

TRANSPORT NETWORK VEHICLE SERVICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with