^

Metro

Lalaking nag-amok nabaril ang sarili

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagamutan bumagsak ang isang lalaki makaraang mabaril niya ang sarili habang nagwawala sa kaniyang lugar sa Valenzuela City nitong Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang paa ang suspek na si Julio Capaz Jr., alyas Ontoy, 40, ng Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, nakatanggap sila ng ulat na isang lalaking armado ng baril na naghahamon ng away at tinututukan ang sinumang makita sa kalsada dakong alas-9:15 ng gabi.

Rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 sa lugar ngunit hindi na inabutan ang suspek. Sa pagtatanong sa mga residente, nabaril ng suspek ang sariling paa sa kanyang pagwawala at isinugod sa Valenzuela City Medical Center.

Tinungo ng mga pulis ang naturang pagamutan kung saan umamin si Capaz sa kanyang nagawa. Itinuro naman niya ang kaibigan na si Joshua Adriano na kasamang nagsugod sa kanya sa ospital na siyang pinagbigyan niya ng baril. Makaraang malapatan ng lunas sa ospital, dinala si Capaz sa Valenzuela Police Station Investigation Unit dakong alas-2:25 ng mada­ling araw at saka ikinulong sa kasong alarm at scandal at illegal discharge of firearms.

 

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with