^

Metro

Bakuna vs tigdas suportahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bakuna vs tigdas suportahan
Nabatid na nag-isyu si DILG Secretary Eduardo Año ng Memorandum Circular 2019-47 na nag-aatas sa mga LGUs na suportahan ang naturang aktibidad, sa pamamagitan nang aktibong partisipasyon ng mga health workers at iba pang opisyal at paghikayat sa mga residente sa kanilang lugar na pabakunahan ang kanilang mga anak, gayundin ay kaagad na isugod sa pagamutan ang kanilang mga kaanak na hinihina­lang tinamaan ng tigdas.

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa bansa na suportahan ang nationwide campaign ng Department of Health (DOH) sa pagbabakuna laban sa tigdas.

Nabatid na nag-isyu si DILG Secretary Eduardo Año ng Memorandum Circular 2019-47 na nag-aatas sa mga LGUs na suportahan ang naturang aktibidad, sa pamamagitan nang aktibong partisipasyon ng mga health workers at iba pang opisyal at paghikayat sa mga residente sa kanilang lugar na pabakunahan ang kanilang mga anak, gayundin ay kaagad na isugod sa pagamutan ang kanilang mga kaanak na hinihina­lang tinamaan ng tigdas.

Ayon sa Kalihim, dapat na magtulung-tulong na umaksyon ang lahat at huwag nang maghintay na may panibago pang masawi sa naturang karam­daman.

“Let’s not wait for ano­ther death. For the longest time, we have measles under control, and we can do it again through the LGUs’ proactive involvement and cooperation of the communities,” ani Año sa isang pahayag.

Anang DILG, halos 23,000 kaso ng tigdas na ang naitala ng DOH mula Enero 1 hanggang Marso 19 pa lamang, na hamak na mas mataas kumpara sa 2,393 kaso lamang sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon.

Sinabi ni Año na nakakaalarma ang naturang bilang kaya’t dapat na kaagad itong aksyunan upang maagapan.

Inaasahan naman ng kalihim na aktibong makikilahok ang mga LGUs sa massive information dissemination campaign at vaccination sa mga paaralan at komunidad, na pinangu­ngunahan ng DOH.

vuukle comment

EDUARDO AñO

VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with