^

Metro

Live-in-partner ni Parojinog, timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga opera­tiba ng pulisya ang live-in partner ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa isinagawang magkasanib na operasyon sa lungsod ng Parañaque kamakalawa, ayon sa mga opisyal kahapon.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta nina PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde, NCRPO Director P/Chief   Supt. Guillermo Lorenzo Elea­zar at iba pang mga opis­yal ang nasakoteng suspect.

Kinilala ni Albayalde ang suspect na si Mena Luan­sing, 34 na nasakote sa bisa ng warrant-of-arrest na isinagawa ng Parañaque City Police, PNP-Intelligence Group (PNP-IG) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Si Luansing ay nadakip ng mga operatiba sa Brgy. San Isidro sa lungsod ng Parañaque nitong linggo ng umaga matapos namang makatanggap ng impormas-yon ang mga awtoridad sa presensya ng suspect sa lugar. Samantalang hinuli rin sa operasyon si Jonas Cablitas, umano’y coddler ni Luansing.

Nabatid sa mga opisyal na si Luansing ay dinakip  kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and explosives at paglabag sa Section 3 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na siya ring kasong isinampa laban sa live-in partner nitong si Ardot Parojinog.  Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanilang kalayaan.

Una nang naaresto ng mga awtoridad  si Parojinog  sa Taiwan nang pumasok ito sa nasabing bansa gamit   ang mga illegal na dokumento.

vuukle comment

LIVE-IN PARTNER

RICARDO “ARDOT” PAROJINOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with