^

Metro

Misis hinostage ni mister

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa hostage ang pagtatagpo ng mag-asawa matapos ikulong sa comfort room ng isang restaurant ang isang ginang ng kanyang mister sa  Macapagal Blvd. Pasay City, kahapon ng tanghali. 

Agad namang  naaresto ang suspect na nakilalang si Aresteo Lim, 40, ng F.  Cruz St. Malibay ng naturang lungsod. 

Base sa isinumiteng report ni Senior Supt. Noel Flores, hepe  ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng tanghali sa Swan Lake Grill Paluto, Ma­capagal Boulevard.

Nagkita ang suspect at ang misis niyang si Meliza Lim, 34, tindera.

Lumalabas sa report, na biglang kinompronta ng suspect ang maybahay sa hindi pa mabatid na dahilan at pagkaraan nito ay pwersahan itong hinatak at pinasok sa loob ng comfort room ng nasabing kainan.

Dito na naglabas ng pata-lim at hinostage ang biktima.

Agad namang nakahingi ng tulong sa mga pulis si Neriza Tejada, ina ng biktima  na tindera rin sa lugar.

Mabilis namang nakapag­responde ang mga tauhan   ng Special Weapons and Tactics Unit at Special Ope­ration Unit (SWAT-SOU) ng Pasay City Police kung saan matapos ang ilang minutong nego­sasyon ay boluntaryong sumuko ang suspect.

Napaglaman na tatlong taon nang hiwalay ang mag- asawa at muli itong nagtagpo sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsasagawa ng masu-sing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insi-dente habang nakatakdang sampahan ng kasong alarm scandal at illegal possession of deadly weapon ang naturang suspect.

vuukle comment

HOSTAGE

NOEL FLORES

PASAY CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with