^

Metro

Dalagita hulog mula 10th flr, lasog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 13-anyos na dalagi­ta matapos itong mahulog mula sa ika-10 palapag ng tinitirhan nitong condominium sa Quezon City, kamakalawa ng madaling araw.

Lasug-lasog ang katawan at basag ang bungo sanhi nang matinding pagkakala-gapak ang biktimang kinila-lang si Alixryanne Arespacochaga, residente ng Victoria Towers sa Barangay Paligsahan, ng naturang lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:55 ng umaga.

Naglilinis ang isang janitor ng naturang condominium malapit sa pinagbagsakan ng biktima nang bigla na lang umano itong nakarinig ng malakas na kalabog.

Nang kanyang puntahan ang pinagmulan ng kalabog ay dito na niya nakita ang nakahandusay at duguang katawan ng biktima.

Mabilis na isinugod sa East Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nabatid na naiiwang mag-isa ang biktima sa kanilang unit tuwing gabi dahilan ang kanyang ina ay sa gabi ang pasok sa trabaho.

vuukle comment

MAHULOG

NASAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with