^

Bansa

Duterte, Xi at Putin magpupulong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kina Chinese President Xi Jin Ping at Russian President Vladimir Putin sa sideline ng APEC Leaders Summit sa Lima, Peru.

Ayon sa impormante sa Malacanang, ang bila­teral meeting ni Pangulong Duterte kina Xi at Putin ay magaganap sa Sabado ng tanghali bago ang pormal na pagbubukas ng APEC Summit.

Mismong si Pangulong Duterte ang humingi ng bilateral meeting kay Putin ng bumisita sa Malacanang kamakalawa ng gabi ang Russian ambassador.

Nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng closer ties ang Pilipinas sa China at Russia matapos niyang batikusin ang Estados Unidos.

Samantala, inamin ni Pangulong Duterte na excited na siyang makaharap si Putin sa sidelines ng APEC Leaders’ Summit sa Peru.

Sinabi ni Pangulong Duterte, ‘excited’ siyang makaharap si Putin dahil pareho silang mahilig sa baril at hunting.

Ayon kay Pangulong Duterte, siya mismo ang nanghingi ng bilateral meeting kay Putin at iginiit pa sa Russian ambassador ang kanyang pagnanais makausap ang Kremlin leader.

Idinagdag ni Pangulong Duterte, wala naman siyang ibang babanggitin kay Putin kundi ang hanga­ring makipagkaibigan. Partikular daw na ilalapit ni Duterte kay Putin ang pagpapalago sa trade relations ng Pilipinas at Russia.

APEC LEADERS SUMMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with