^

Bansa

Mga Pinoy sa Tsina, ginagamit na panggigipit sa Pinas?

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi dapat gawing panangga ng Tsina ang mga Pilipino upang gipitin ang pamahalaan ng Pilipinas sa usapin ng immigration, ayon sa makabayang grupo.

Naniniwala si Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ilang makaba­yang alyansa, na may mas malalim na dahilan sa likod ng pagkumpirma ng Chinese Foreign Ministry na kumilos ang kanilang awtoridad laban sa mahigit 100 Pilipino dahil umano sa illegal employment at overstaying.

Sa pahayag ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. noong ­Agosto 13, tinawag niyang “plain and simple extortion and blackmail” ang aksyon ng Tsina, at posibleng pagganti umano ito sa mga operasyon ng Pilipinas laban sa mga Chinese nationals na lumabag sa immigration laws.

Mas lumalalim ang tensyon dahil sa mga ulat na nagbanta ang Tsina ng karagdagang hakbang laban sa mga Pilipinong manggagawa kaugnay ng pag-aresto ng Pilipinas sa mga Chinese nationals.

“Hindi maaaring gamitin ang mga Pilipinong manggagawa para gipitin ang pamahalaan ng Pilipinas. Iyan ay pamimilit, hindi diplomasya,” ani Goitia.

Iginiit ni Goitia na may karapatan ang Pilipinas na ipatupad ang sariling batas sa loob ng teritoryo nito, anuman ang nasyonalidad ng iniimbestigahan.

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with