^

Metro

Mag-asawa inambus: Mister dedo, misis sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister na negosyante habang malubhang nasugatan ang kanyang misis nang tambangan at pagbabarilin ng dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo na dahilan ng pagkasawi ng biktimang si Alfredo Bautista, 42, ng Brgy. Tinajeros, habang isinugod naman sa Manila Central University Hospital dahil sa tama ng bala sa kaliwang balikat at baba ang misis nitong si Delia.

Base sa inisyal na ulat ng Malabon City Police, pauwi na ang mag-asawa sakay ng isang motorsiklo dakong alas-10:30 ng gabi sa may Sanchez Street nang biglang dikitan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin at sabihan si Alfredo na flat ang kanilang gulong.

Nang huminto ang biktima, dito na sila pinagbabaril ng mga salarin saka tumakas tungo sa hindi mabatid na lugar. Narespondehan naman­ ng mga awtoridad ang pangyayari at nasaklolohan si Delia­.

Ayon sa mga imbestigador, wala silang rekord na sangkot ang mag-asawang Bautista sa iligal na droga kaya hindi ito kasama sa kanilang imbes­tigasyon. Pinakamalapit na po­­sibilidad umano ang sigalot sa negosyo makaraang may posibleng nagalit nang makakuha ng magandang pu­westo ang mag-asawa sa may Rivera Street, sa naturang lung­sod.

vuukle comment

BARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with