^

Metro

6 timbog sa ‘paihi’, pamemeke ng dokumento

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 timbog sa ‘paihi’, pamemeke ng dokumento
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado sa mga operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim katao na sangkot sa ‘paihi’ at pamemeke ng mga dokumento sa Navotas at Maynila.

Ayon kay CIDG-NCR chief Col. John Guiagui, alas-11:45 ng gabi nitong Sabado nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek nang maaktuhang naglilipat ng mahigit 20,000 litro ng diesel at makumpiska ang mga tanker truck, storage tank at iba pang ebidensya na tinata­yang nagkakahalaga ng P6.66 milyon ng walang permit at awtorisasyon mula sa Department of Energy (DOE).

Gumamit umano ang grupo ng mga improvised na pasilidad at lalagyan gaya ng mga drum at timba sa paglilipat ng diesel mula sa malalaking tanker patungo sa mas maliliit na lalagyan para ibenta o ipamahagi.

Sinabi ni Guiagui na bukod sa paglabag sa batas, panganib din sa publiko at kapaligiran ang naturang operasyon dahil sa hindi ligtas na pag-iimbak at paghawak sa mga produktong petrolyo.

Samantala, himas rehas din ang tatlo katao na nahuli sa aktong gumagawa at nagbebenta ng pekeng PNP Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) sa Recto, Maynila.

Dagdag pa ni Guiagui na nakakuha umano sila ng pekeng permit matapos magbayad ng P2,000. Kasama rin sa mga dokumentong sinasabing pinepeke ng grupo ang police clearance at mga papeles ng Civil Security Group (CSG) at Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA).

Binigyang-diin ni Guiagui na may mga security feature ang lehitimong PTCFOR na ginagawa sa PNP Headquarters sa Camp Crame at hindi basta makokopya ng mga gumagawa ng pekeng dokumento sa Recto. Nakum­piska rin sa operasyon ang isang external drive at CPU na sinusuri ngayon ng mga imbestigador upang matukoy ang lawak ng kanilang operasyon.

Ayon sa pulisya, seryosong banta sa seguridad ang pagbebenta ng pekeng PTCFOR dahil maaaring makalusot sa mga kinakailangang proseso ang mga taong nais magkaroon ng permit na magdala ng baril. Kabilang dito ang psychological o neuropsychiatric eva­luation upang matiyak kung kwalipikado silang humawak at magdala ng armas.

Patuloy ang operasyon upang matukoy ang iba pang posibleng sangkot sa paggawa at pagbebenta ng pekeng PNP documents.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with