^

Metro

Lalaki, tinarakan ng tari ng manok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang suga­tan nang saksakin ng ilang beses ng kainuman gamit ang tari ng manok sa Ma­rikina City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Amang Rodriguez Medical Center ang biktimang si Darwin Ville­­gas, 24, residente ng 90 Sapphire St., Marikit Sub­division, Concepcion Uno, Marikina City bunsod nang tinamong mga saksak sa likod, dibdib at dalawang kamay.

Arestado naman ang suspek na si Antonio Feb­lilig, 41, residente rin ng natu­rang lugar. Sa ulat ng Marikina City Police, naganap ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi habang nag-iinuman ang dalawa sa naturang lugar nang magkapikunan na humantong sa mainitang pagtatalo.

Dito na umano naglabas ng tari ng manok ang suspek na ginamit sa pagsaksak sa biktima. Tinangka pa umanong tumakas ng suspek ngunit naaresto rin ng mga kaanak nito.

vuukle comment

ACIRC

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANG

ANTONIO FEB

CONCEPCION UNO

DARWIN VILLE

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKIT SUB

SAPPHIRE ST.

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with