^

Metro

‘Informer’ todas sa ‘tulak’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 46 anyos na lalaki nang barilin ng isang hinihinalang tulak ng droga habang naglalaro ng “pool” sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Erwin Tumale, residente ng Building 6 Helping Land, Temporary Housing, Tondo.

Isang Pepito Roque Jr. ang itinuturong may kagagawan umano ng pamamaril na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 8:45 ng gabi sa pagitan ng Bldg 6 at 7 sa Helping Land, Temporary Housing.

Inabutan na lamang ni Angelito Tumale ang kapatid na nakabulagta at duguan at wala na ang suspek.

Napalabas umano ng bahay si Angelito dahil sa magkakasunod na putok ng baril at hindi akalaing ang kapatid ang nabiktima ng pamamaril.

Hinihinalang may kinalaman sa iligal na droga ang motibo sa pamamaril dahil isa umanong ‘informer’ ng mga pulis ang biktima at diumano’y sangkot din sa pagbebenta ng droga sa lugar.

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

ANG

ANGELITO TUMALE

ERWIN TUMALE

HELPING LAND

HINIHINALANG

INABUTAN

ISANG PEPITO ROQUE JR.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

TEMPORARY HOUSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with