^

Metro

Swimming pool nadiskubre sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa ika-13 pagkakataon nagsagawa ng ‘Oplan Ga­lugad’ ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Pri-sons (NBP) sa Muntinlupa City, kahapon kung saan muling nakasamsam ng mga kontrabando at lalu na natuklasan ang swimming pool sa medium security compound.

Ayon kay BuCor Director Retired General Rainer Cruz III, alas-5:30 ng uma­ga nang  salakayin ng kanyang mga tauhan ang mga kubol ng mga  marshal na preso,  na matatagpuan sa Inmate Custodial Aid (ICA) at Reception and Diagnostic Center sa Medium Security Compound na kung saan isang katerbang kontrabando na naman ang nasamsam mula dito.

Nakakumpiska rin ng mga  plastic sachet na nag-lalaman ng hinihinalang sha­bu at drug paraphernalia.

Bukod pa ang iba’t ibang uri ng appliances, tulad ng mga flat television, rice cooker, portable air-con, DVD, laptop, tangke ng LPG at  mga pamalo.

Isa namang inmate na nakakulong sa maximum security compound, na miyembro ng Genuine Ilocano ang nagsurender ng  isang kalibre .45 at .9mm na baril.

Isa pa ring inmate na nakilalang si Jerry Pepino, kung saan natagpuan sa kubol nito ang isang swimming pool.

Sinabi ni Cruz, na nasa 5,989 na inmates ang nakakulong sa  medium security compound kabilang dito ang mga mga “high profile inmates”, tulad ni Jason Ivler; Dennis Roldan at Alvin Tan, na may drug factory umano sa Cebu.

Sinabi ni Cruz, na gi­gi­ba­in nila ang mga magagarbong kubol ng mga itinuturing na “high profile inmates” para hindi na  aniya mapakinabangan pa ang mga ito.

vuukle comment

ACIRC

ALVIN TAN

ANG

BUREAU OF CORRECTIONS

CRUZ

DENNIS ROLDAN

DIRECTOR RETIRED GENERAL RAINER CRUZ

GENUINE ILOCANO

INMATE CUSTODIAL AID

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with