^

Metro

Bitin sa alak, nanaksak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng isang lasing na lalaki nang saksakin ang kanyang kainuman makaraang mabitin ito sa alak, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakaditine ngayon sa Detention Center ng Caloocan Police ang suspek na si Racky Orindian, 29, binata, obrero, at naninirahan sa No. 515 5th Flr. Building I, Isayah St., Brgy. 175 Camarin, ng naturang lungsod.

Isinailalim naman sa ope­rasyon sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Norberto Velarde Sr., 55, may-asawa, obrero, at residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa ulat, nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang barkada na si “Rey” sa loob ng unit ni Orindian dakong alas- 9:45 ng gabi.

Nang maubos ang iniinom nilang alak, gusto pa ng suspek na uminom ngunit tumang­gi na ang mga kasama. Dito nagalit ang suspek at ibinato ang wala nang laman na bote ng brandy sa mesa.

Inawat naman ni Velarde si Orindian at sinamahan pababa ng hagdan ngunit nagbunot ng Swiss knife ang suspek at tinarakan ang biktima sa sikmura saka nagtangkang tumakas.

Nasaksihan naman ni Nico Velarde, anak ng biktima ang pangyayari na tumakbo at humingi ng saklolo kaya nakorner ang suspek at nagulpi ng taumbayan. Isinuko naman si Orindian sa mga tauhan ng Police Community Precinct 5.

Nahaharap ito ngayon sa kasong frustrated homicide.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUILDING I

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DETENTION CENTER

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

ISAYAH ST.

NICO VELARDE

NORBERTO VELARDE SR.

ORINDIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with