^

Metro

1 patay, 1sugatan kotse nag-dive sa Pasig River

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang kawa­ni  ng Manila Electric Company (MERALCO) habang sugatan naman ang kasamahan nito at ang isang nasaging pedestrian matapos maaksidente ang sinasakyan nilang company car hanggang sa mahulog sa Pasig River sakop ng Makati City, kahapon ng umaga.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, kinilala ang nasawi na si Jose Mari Garcia Del Rosario,  27, substation man ng MERAL­CO, ng Matimtiman St., Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Nilalapatan naman ng lunas  sa isang ospital sa Quezon City ang kasamahan nitong si Robert Rillera, kawani rin ng naturang electric company at ang tumatawid namang si Edwin Billones, 44, isang mason, ng  Makati City na  binigyan naman ng paunang lunas sa Ospital ng Makati.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni PO3 Wilson Nacino, ng Makati City Traffic Enforcement Bureau, naganap ang insidente  alas-5:30 ng umaga sa harapan ng Guadalupe Bliss, kahabaan ng J. P. Rizal, Brgy. Cembo ng naturang lungsod.

Minamaneho ng nasawing si Del Rosario ang isang kulay silver na Toyota Vios,  na kanilang company car (UGI-432) kasama  si Rillera at binabagtas ang naturang lugar patungong area ng Pateros galing sa kanilang trabaho, na  base sa ilang saksi ay mabilis umano ang pagpapatakbo sa naturang sasakyan dahilan upang hindi makontrol ni Del Rosario ang preno hanggang sa masagi nito ang tumatawid na si Billones.

Nagtuluy-tuloy ang na­tu­rang sasakyan hanggang sa mahulog ito sa Pasig River, subalit nagawa namang makalangoy at makalabas ni Rillera mula sa behikulo, kung kaya’t naisalba nito ang sarili.

Samantalang ang na-turang sasakyan ay tulu­yang lumubog, na nasa loob si Del Rosario, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Isa sa teyorya ng pulis­ya, posibleng pagod si Del Rosario at inaantok ito dahil buong magdamag itong naka-duty. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY DOLORES

DEL ROSARIO

EDWIN BILLONES

ERNESTO T

GUADALUPE BLISS

JOSE MARI GARCIA DEL ROSARIO

MAKATI CITY

NBSP

PASIG RIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with