^

Metro

Kelot ibinaon sa septic tank

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May nakabaon pang patalim sa leeg nang mahukay ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng septic tank sa isang  abandonadong bahay sa Quiapo, May­nila, kahapon ng umaga.

Nang dahil sa sobrang ma­sangsang na amoy kaya nadiskubre ang bangkay ng biktimang kinilalang si Jaime Lozada, 38, vendor, ng Seve­rino  St., Quiapo, Maynila sa bahay ng pinaniniwalaang suspek na si Ricky Navas, residente ng Phase 3, Progreso at Bilibid Viejo, Quiapo, Maynila.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Inspector Rommel Ani­cete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-7:00 ng umaga kahapon nang magpasiya ang magkakapitbahay na pasukin ang bahay ni Navas dahil sa masangsang na amoy kung kaya binutas nila ang septic tank.

Sinabi ni kagawad Vicente Alvarez ng Barangay 392, Zone 40, kahina-hinala ang septic tank dahil sa bagong tapal na semento.

Duda sila sa parte ng septic tank na natatabunan ng trapal kaya inalam ito at natuklasang bagong semento ang bahagi nito kaya naisipang butasin dahil doon umano nanggagaling ang masangsang na amoy at doon nga tumambad ang bangkay ng biktima na may nakabaon pang patalim sa leeg. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya ukol dito, tinitignan din ang anggulo ng onsehan sa droga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BILIBID VIEJO

DUDA

JAIME LOZADA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NANG

RICKY NAVAS

SENIOR INSPECTOR ROMMEL ANI

VICENTE ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with