^

Metro

Binata binistay ng bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang binata makaraang pagbabarilin ng armadong lalaki habang ang una ay nakaistambay sa isang eskinita na nag-ugat umano sa onsehan sa iligal na droga sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Walong tama ng bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Cedric Arnie Soriano, 22, ng Kamagong St., Brgy. Commonwealth.

Ayon kay P03 Jaime de Jesus, nangyari ang insidente sa kanto ng Kamagong St., Barangay Commonwealath ganap na alas-10:45 ng gabi.

Sabi ni Ronnie Dela Cruz, pinsan ng biktima, nakatakda na sana siyang matulog sa loob ng kanilang bahay nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.

Nang kanyang tignan ay saka niya nakita ang pinsang si Cedric na duguang nakabulagta sa nasabing lugar. Agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa pagsisiyasat.

Onsehan sa iligal na droga ang sinasabing motibo ng nasabing pamamaril dahil maging ang kaanak ng biktima ay aminadong gumagamit ito ng droga at mayroon na ring nakakaaway tungkol dito.

Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ang insi-dente.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY COMMONWEALATH

BRGY

CEDRIC

CEDRIC ARNIE SORIANO

GAYUNMAN

JAIME

KAMAGONG ST.

NANG

RONNIE DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with