^

Metro

Bebot tinaniman ng 2 bala sa dibdib dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 19 anyos na babae makaraang pagbabarilin ng hindi natukoy na salarin sa Novaliches, lungsod Quezon kamaka­lawa ng gabi.

Si Mary Joy Villar, meka­niko at residente sa Paquito St., Joan of Arc Subdivision, Brgy. Gulod Novaliches ay nagawa pang maisugod sa ospital pero idineklara ring dead on arrival dahil sa dalawang tama ng bala, ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso.

Ayon kay Raz, si Villar ay nirespondehan lamang ng kanyang pinsang si Joel Lucero matapos na ipabatid dito ng isang kalugar hingil sa pagkakabaril sa una sa may Riversdale Dulo, Fo­rest Hills Subd., ng nasabing barangay, ganap na alas 9:45 ng gabi.

Sinasabing nagpapahi­nga si Lucero sa loob ng kanilang bahay nang impormahan kaugnay sa insidente. Agad namang pinuntahan ni Lucero ang lugar at naabutang nakahilata ang duguang pinsan at isinugod ito sa Novaliches District hospital pero ideneklara itong dead on arrival.

Sa cursory examination sa bangkay ng biktima ay lumabas na nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa dibdib.

vuukle comment

ACIRC

GULOD NOVALICHES

HILLS SUBD

JOAN OF ARC SUBDIVISION

JOEL LUCERO

JULIUS RAZ

LUCERO

NOVALICHES DISTRICT

PAQUITO ST.

RIVERSDALE DULO

SI MARY JOY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with