^

Metro

Bading pinasabog ang ulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 45 anyos na bading matapos barilin sa batok ng isa sa apat na suspek na nakitang sumusunod sa kanya kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga manggagamot sa Tondo General Hospital  ang biktimang si Carlito Batac, Jr. ng 220 Unit 59 Rodriguez, Tondo, Maynila dahil sa tama ng bala sa batok.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran, ng Manila Police District-Homicide Section ala-1:30 ng mada­ling araw nang maganap ang insidente malapit sa  Gate ng Barangay 128 Zone 10 permanent Housing Tondo, Maynila.

Nabatid na bago naganap ang insidente ay may kausap ang biktima at maya-maya pa ay may sumunod na apat na kalalakihan at dito na nakarinig nang putok ng baril.

Inamin naman ng kapatid ng biktima na si Elizabeth na drug user ang biktima at minsan ay nagbebenta ito ng ipinagbabawal na shabu.

Sinisiyasat naman ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CARLITO BATAC

HOUSING TONDO

INAMIN

JOHN CHARLES DURAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NABATID

TONDO GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with