^

Metro

Lalaki pinasabog ang ulo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binaril sa ulo hanggang sa mamatay ang isang lalaki ng hindi pa kilalang suspek kahapon sa Pasay City.?

Inaalam pa ng Pasay City Police ang pagkakakilanlan ng biktima, na may katamtaman ang pangangatawan, naka-tsinelas ng balat, naka-t-shirt at nakasuot ng short pants, nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa sentido. Na-recover  sa pitaka ng biktima ang halagang P50, mga barya, Philhealth ID na sa pangalan ni Zandra Timan Maguid, School ID na nasa pangalan naman ni Jaen Althea M. Chio, ng Sunflower Day Care Center na matatagpuan Poblacion,  Pikit,  Cotabato at  Palawan Express Remittance Form na nasa pangalan ni Dennis Mark Chio. Blanko pa rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente. Ayon sa report na natanggap ni Police Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:15 ng hapon sa panulukan ng Cesna Riverside, Brgy. 190,  Zone-20 ng nabanggit na siyudad.?

Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng putok ng baril at nang kanila itong tingnan ay nakita nila ang biktima, na duguang nakahandusay at wala na itong buhay.?

Dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya ang insidente at masusi pa itong iniimbestigahan. Ang labi ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes.

vuukle comment

ANG

AYON

CESNA RIVERSIDE

DENNIS MARK CHIO

JAEN ALTHEA M

JOEL DORIA

NBSP

PALAWAN EXPRESS REMITTANCE FORM

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE SR. SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with