^

Metro

Torre de Manila, giit gibain

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Torre de Manila gibain.

Ito ang  giit ni Solicitor Ge­neral Florin Hilbay sa kanyang pagdalo sa oral argument ng kontrobersiyal na condominium building na Torre de Manila bilang pagsuporta sa panawagan na gibain ang binansagang photo bomber sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.

Sa naturang pagdinig, inihayag ni Hilbay sa mga mahistrado na nakasira ang naturang condominium building sa view ng rebulto ng pambansang bayani.
Si Hilbay ang legal na kumakatawan sa National Museum at National Commission for Culture and the Arts.

Ang petisyon laban sa Torre de Manila ay inihain ng Knights of Rizal, na unang humiling sa SC na ipatigil ang pagpapatayo, at kasunod ay paggiba sa condominium na itinatayo ng DMCI.

Hiniling din ni Hilbay sa SC na atasan ang lokal na pamahalaan ng Maynila at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na pangasiwaan ang pagsubaybay sa gagawing demolisyon ng gusali.

Paliwanag ni Hilbay, itinayo ang monumento ni Rizal sa lugar na walang dapat makasagabal sa hitsura ng kapaligiran nito.

Dagdag pa niya, hindi awtorisado ang City Planning and Development Office na magpalabas ng zoning permit sa DMCI buil-ding. Wala rin daw bisa ang zoning permit ng DMCI dahil humigit ang gusali sa floor-to-area ratio.
Igi­niit din ni Hilbay na ta-nging ang Sangguniang Panlungsod lamang mula sa rekomendasyon ng Manila Zoning Board of Adjustments Appeals ang may katungkulan na magpalabas ng permission for variance o exception sa zoning rules.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CITY PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE

CULTURE AND THE ARTS

DR. JOSE RIZAL

FLORIN HILBAY

HILBAY

KNIGHTS OF RIZAL

MANILA ZONING BOARD OF ADJUSTMENTS APPEALS

NATIONAL COMMISSION

NATIONAL MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with