^

Metro

Mister kulong, ginulpi, kinalbo ang misis

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinakulong ng isang misis ang kanyang mister makaraang igapos siya, sinaktan at kalbuhin matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa selos ng huli sa loob ng kanilang tahanan sa Marikina City, kahapon ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Analyn Samson, 42, ng M. Sella St., Brgy. Parang sa lungsod. Sa reklamo ng ginang, sinabi nito na ang pananakit sa kanya ng kanyang mister na si Danilo Samson, 46, construction worker, ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa ginang, selos nang selos ang kanyang mister na wala namang dapat na pagselosan, kaya sila nagtalo na nauwi sa pananakit sa kanya, itinali ang kamay at paa ng electrical at packing tape saka kumuha ng gunting at kinalbo. Narinig naman ng mga kapitbahay ang komosyon sa tahanan ng mag-asawa kaya’t tumawag ang mga ito ng pulis para i-rescue ang ginang.

Pagkadating ng mga pulis ay ipinaaresto niya ang kanyang umbagerong mister at ipinagharap ng kasong paglabag sa RA 9262 na Anti-Violence Against Women.

vuukle comment

ANALYN SAMSON

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

AYON

BRGY

DANILO SAMSON

IPINAKULONG

MARIKINA CITY

NARINIG

PAGKADATING

SELLA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with