^

Metro

60-anyos tanod patay sa responde

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang 60-anyos na barangay tanod makaraang mapuruhan sa pamama­ril ng dalawang armadong lalaki, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang nakilalang si Mario Lucero, ng T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales sa lungsod at Deputy Executive Officer ng naturang barangay.

Pinaghahanap naman nga­yon ang mga suspek na nakilalang sina Alvin Afable at John Mark Hernandez, alyas Dandan.

Sa ulat, rumesponde si Lucero kasama ang dalawa pang tanod sa paghingi ng saklolo ng isang residente sa may De Zafra St., Brgy. Veinte Reales makaraang mamataan ang dalawang armadong lalaki na nagkukumpuni ng motorsiklo sa tapat ng kanyang drum shop.

Nang sisitahin ni Lucero ang dalawa, agad na siyang pinaputukan ng mga ito at mabilis na tumakas nang mang-agaw ng panibagong motorsiklo.

Sa follow-up operation, natukoy ng pulisya na naka­rehistro sa isang Arturo Afable ang iniwang motorsiklo ng mga salarin.

Agad namang natukoy si Afable sa kanyang bahay sa Lubtong, Meycauayan, Bulacan at inimbitahan sa Valenzuela Police Station.

Nang isailalim sa imbestigasyon, tinukoy ni Afable ang kanyang kapatid na si Alvin at Hernandez na may kagagawan ng krimen.

vuukle comment

AFABLE

ALVIN AFABLE

ARTURO AFABLE

BRGY

DE ZAFRA ST.

DEPUTY EXECUTIVE OFFICER

JOHN MARK HERNANDEZ

LUCERO

VEINTE REALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with